IGINIIT ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel ang
pagtatalaga ng isang hukom mula sa Jolo, Sulu, na humawak sa
mga kaso ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
Governor Nur Misuari upang siyang humawak sa rebelyon trial
ng Muslim leader sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon kay Pimentel, magiging patas sa mga abogado ni
Misuari, na nauna nang nagbanta na ibo-boycott ang trial,
kung si Jolo, Sulu Regional Trial Court Branch 3 Nine
Judicial Region Judge Baguis S. Ismael ang hahawak sa
paglilitis.
"While it was my stand that Misuari should be put
into exile, nandyan na iyan the Supreme Court (SC) has
decided to transfer the trial from Jolo to Sta. Rosa,
Laguna. The Jolo judge should be designated to preside on
the trial of Misuari case," ani Pimentel.
Ito ang naging tugon ni Pimentel sa patuloy na pagtutol
ng kampo ni Misuari sa naging desisyon ng SC na isagawa ang
paglilitis sa Laguna.
Donna G. Brazas